Multimedia

Bukod sa pagtugon sa localization requirement ng mga kumpanya ng media at entertainment sa iba’t ibang panig ng mundo, ang SDI ay nagbibigay din ng komprehensibong koleksyon ng serbisyo sa malawak na spectrum ng iba pang mga negosyo.

Dahil iba’t iba at malawak ang mga pangangailangan nila tulad din ng industriyang kanilang pinaglilingkuran, alam ng mga kliyenteng ito  ang hindi mapapantayang pagkakakilanlan ng SDI sa buong mundo na siyang tunay na dahilan kaya’t ideal itong partner sa paglutas ng malalaking hamon na may kaugnay sa wika. 

Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga sumusunod: 

Serbisyo sa Moderasyon

Nagkakaloob ang SDI ng mga angkop at napapanahong serbisyo sa moderasyon at pagsubaybay sa ilan sa pinakamalalaking tatak sa buong mundo para sa mga viral marketing campaign, social media networks, at  user-generated content (UGC).

Ang aming pangkat ng media-savvy at eksperto sa wika ang sumusubaybay sa mga chat room, discussion room, at website sa buong mundo 24/7, kasabay ang pagprotekta sa mga brand laban sa mga ilegal na asosasyon, at nagbibigay ng propesyunal na pagsasalin ng UGC content at tumutulong sa mga brand owner na makausap ang kanilang customers sa buong mundo.

Pagsasalin ng Website

Ang aming grupo ay may kakayahang magsaling-wika ng teksto sa anumang web-based file o platform, kabilang ang HTML, Java at XML. Nagkakaloob din kami ng serbisyong pangsangguni na tumutulong sa pagdidisenyo at pagpapatakbo ng inyong localized websites, nagbibigay-gabay at nagsusuri ng wika sa bawat hakbang.

Corporate communications

Mula sa pagtuturo ng produkto at e-learning packages, hanggang sa pagsasanay ng staff, corporate communication at shareholder presentations, tinitiyak ng SDI ang maayos, mabisa at matipid na komunikasyon sa lahat ng shareholders.